Saturday, July 26, 2014

KABIHASNAN SA INDIA

  • Heograpiya
    • Sa hilagang bahagi ng sub-kontinenteng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak ilod ng Indus. Sa hilaga ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush Karakoram at Himalaya. Noong 2500 BCE ay naglatag ang mga taga Indus ng mga lungsod na gawa sa laryo. Umabot sa 100 na lungsod ang matatagouan sa pampang ng ilog.  Ang pangunahin nilang produkto ay trigo, barley, palay at bulak. Ang katangi-tangi sa kabihasnan sa kabihasnan ng mga taga Indus ay ang pagsasaayos ng kanilang lungsod. Grid System ang tawag sa planong nakalatag sa kaning gusali kung saan mahahati ang mga kalsada.
  • Pananampalataya ng mga Aryano
    • Pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Magkaiba ang painaniniwalaang diyos ng mga Aryano at ng kanilang mga nasasakupang Drabidyano. Ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Upanishads ang tawag sa kanilang nabuo na aklat.  Upanishads ay kalipunanng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.  Patungkol ang mga diyalogong ito sa mga paraan kung paano makamit ng tao sa mga paraan kung paano makamit ng tao ang paglaya niya mula sa pagdurusa.

  • Imperyong Maurya
    •  

    • Noong 321 BCE, kinilala bilang hari ng magadha si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Pinalaki niya nag sakop na kaharian at itinatag ang imperyong Maurya. Nasakop na ng mga imperyo ang buong hilagang india. Bumuo si Chandragupta ng isang sentrilisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan. Ang imperyo ay hinati sa apat na lalawigan na pinamunuan ng isang prinsipe. At ang bawat lalawigan ay hinati sa iba't ibang distrito na pinamumunuan ng mga opisyales na ang tungkulin ay maningil ng buwis.
  • Imperyong Gupta
    • 500 taon makalipas ang kaguluhan at digmaan, namuno si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 CE. Mula kay Gupta nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan. Dahil niya nakaranas ang india ng isang ginintuang panahon sa matematika, agham, at panitikan.Sa matematika, ipinakikilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang. Ang kaalaman sa pagbibilang ay hiniram ng mga Arabe sa taga Europe kung saan ito ay nakilala na Hindu-Arabic numerals.

2 comments: