Sunday, July 27, 2014

KABIHASNAN SA AFRICA

-Sumibol ang kultura at kabihasnan sa Africa. Ang mga taong Nok ang isa sa mga sinaunang kultura na naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200CE. Ang Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa baging iyon ng Africa. Lumikha din sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahot at mga bato.
  • Ang mga Kushite
    • Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinagharian sila ng mga Ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo BCE, unti-unting na
      kamit ng mga Kushite ang kanilang kalayaan.
  • Ang mga Aksumite
    • Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solom ng Israel. Matatagpuan ang kaharian ng Aksumite sa hilagang-silangan bahagi ng Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan napanatili nika ang kapangyarihan. Ang baybayan ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal. Ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng Yemen upang sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum. Sunod, ay sinakop nila ang Kush at makalipas ng 20 taon ay sinunog nila ang lungsod ng Meroe.

      Ang mga Imperyong Pangkalakalan

  • Ang Ghana
    • Soninke ang tawag sa mga mamamayan ng Ghana.
    • Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ang pagsasaka at pagpapanday. Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sangandaan ng kalakalan sa Africa.
  • Ang Mali
    • Lumitaw ang Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata, naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop.
  • Ang Songhai
    • Pagsapit ng ika-14 na siglo, isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali. Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan.

      Ang ibang mga Estado sa Africa

  • Ang mga Hausa
    • Ang mga Hausa ay dating sakop ng mga Songhai. Nakamit lamang nila ang kanilang kasarinlan nang humina ang imperyo ng Songhai. Matatagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng Kano, Katsina, at Zazzau.
  • Ang Benin
    • Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng  Ilog Niger. Noong ika-15 siglo, lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare. Umabot ito sa  kabuuan ng Ilog Niger delta hanggang sa Lagos, Nigeria.

28 comments:

  1. Thanks for the info

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Bakit walang Zimbabwe dun sa mga pangkat? pero salamat parin sa info.

    ReplyDelete
  4. mga naambag po ba to sa kabihasnan ?\

    ReplyDelete
  5. mga naambag po ba to ng kabihasnan

    ReplyDelete
  6. ano bo ba ang mga naambag o kontribusyon
    nito?

    ReplyDelete
  7. Ano po ba ang ambag sa larangan nga pulitika ang kabihasnan ng africa?
    Salamat

    ReplyDelete
  8. Africa's nations and history is so amazing that's wahy I really wanted to know more 💖

    ReplyDelete