Sunday, July 27, 2014

ANG MGA KABIHASNAN SA AMERIKA

  • Ang mga Olmec
    • Tinatawag na Olmec o Taong Goma o Rubber People ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng golopo ng Mexico noon 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang "Base Culture" ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nalikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.

  • Ang mga Teotihuacano
    • Matatagpuan sa lambakng Mexico
    • Tinawag ding Lupain ng mga Diyos
    • Kilala bilang unang lungsod ng America ang Teotihuacano. Naging sentro din ito ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero. Payapa ang pamumuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro sa relihiyon, pagsasaka, at kalakalan. Pinapalamutian ng mga guhit ng ibon, jaguar at nagsasayawang mga diyos ang kanilang mga tahanan. Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o ang tinaguriang Feathered Serpent.  Si Quetzalcoatl ang nagbigay sa tao ng kaalaman sa pagsasaka, pagsusulat, paglikha ng kalendaryo at iba pa. Ang pangunahin sa kanyang kautusan ay ang patungkol sa kapayapaan, kababaang loob at pagmamalasakit sa kapwa.  
  • Ang mga Mayan
    • Sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan sa pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos. Mula rito lumaki na ang pamayanan at naging lungsod na kinabibilangan ng Tikal,Copan, Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa Mexico at Gitnang America. Ang Mayan ay nahahati sa apat na antas ng lipunan. Ang pinakataas ay ang mga maharlika na namamahala sa mga mamamayan ng lungsod.  Halach Uinic ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo. Kaagapay Halach Uinic ang ilang mga maharlika sa paglikom ng buwis at pagsasaayos ng pambublikong gusali at kalsada. 
  • Ang mga Aztec
    • Sa hilagang Mexico ng mula ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica. Nagsilbi din silang sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa lambak ng Mexico. Nang matatag ang Aztec sa kabisera sa Tenichtitlan, unti-unting nasakop ang mga kalapit na kaharian. Itinuturing extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec . Dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno.
       

  • Ang mga Inca
    • Sa south america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong ito ay ang Inca. Sa maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula ang mga Inca. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo. Naging matagumpay ang Inca sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo dahil sa natatangi nilang paraan at pakikidigma

2 comments:

  1. It really helped me a lot. Thanks for sharing!
    Please, keep on posting such ideas for future use.
    #gr8student_here

    ReplyDelete
  2. napakalaking tulong sa isang mag-aaral na tulad ko. Thanks for sharing.

    ReplyDelete