Saturday, July 26, 2014

KABIHASNAN SA CHINA

  • Heograpiya
    • Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang karagatang Pasipiko. Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang mga kagubatan ng Timog-silangang Asya.


      Ang Unang Dinastiya

  • Dinastiyang Hsia
    • Ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko .
    • Sa pamumuno niya, nagsagawa ang mga tao ng mga proyektong pang-irigasyonna hahadlang sa mapinsalang pagbabaha ng ilog.
  • Dinastiyang Shang
    •  
    • Ang dinastiyang Shang ang pumalit sa dinastiyang Hsia noong 1500 BCE. May tatlong pangunahing katangian ang paghahari ni Shang una ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman  sa paggamit ng bronse at ang pag-aantas sa lipunan. 
  • Dinastiyang Zhou
    • Napatalsik ni Zhou ang dinastiyang Shang. Ginamit nila ang konsepto ng "Tian Ming" o ang mandato ng langit upang mapatibay ang kanilang pamamahala at ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.  Ang siklo ng pagtatag, pagbagsak at pagpapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko. Nagsimula ang siklong dinastiko sa kaguluhan tulad ng kalamidad, rebelyon, o pagsalakay sa ilalim ng pamumuno ng matandang dinastiya.
  • Dinastiyang Qin
    • Ang dinastiyang Qin ang pumalit sa dinastiyang Zhou. Tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador. Layunin nila na maging matapang ang bagong dinastiya kaya inutos ni Shi Huangdi na  ang lahat na maharlikang pamilya sa bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyong Xianyang. At ang estado ay hinati sa 36 na distrito na pinamumunuan ng mga tapat na opisyal ng Qin.

      Iba pang Kabihasnan sa Asya

      -Ang ibang sinaunang kabihasnan ay umabot hanggang sa kanlurang Asya. Umabot ang mga ito sa rurok ng kapangyarihan bilang mga sentro ng pamamahala at kalakalan ang mga kabihasnan ng Hitito, Phoeneciano, at Persyano.

  • Ang mga Hitito
    •  
    •  Nagmula sila sa mga damuhan ng Gitnang Asya.
    • Nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass. Sa loob ng 450 na taon, naging makapangyarihan ang mga Hititp sa Kanlurang Asya.
    • May dalawang susi sa tagumpay sa digmaan ang mga Hitito. Ang una ay ang paggamit nila ng mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kaalaman sa pagpapanday ng bakal para gawing pana, palaso,palakol at espada. 

  • Ang mga Phoeniciano
    •  
    • Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nananahan sa maunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang manggagawa ng barko, manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos. Bagama't hindi naging imperyo ang unang lungsod ng mga Phoeniciano, nagpadala naman sila ng tao upang magtatag ng kolonya sa Italy, Africa, at Spain.
  • Ang mga Persyano
    •          
    • Sa malawak na talampas sa Iran, nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo- Aryano.
    • Ang salitang persyano ang galing sa salitang Persis, bansag na mga Griyego sa lugar na iyon.
    • Sumailalim sa makapangyarihang imperyo ang Assyria ng Persia hanggang sa taong 621 BCE. Sa ilalim ni Cyrus the Great, lumawakang imperyo ng Persia. 

       

No comments:

Post a Comment