Sunday, July 27, 2014

KABIHASNAN SA PASIPIKO

  • Ang Kultura sa Pasipiko
    • Ang rehiyon ng Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko. Kabilang dito ang mga rehiyon ng Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ito ay binubuo ng libo-libong pulo na tinitirhan ng mga mamamayang nasanay sa kulturang pangkaragatan.
  • Polynesia
    •  Binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand ang Polynesia. Polynesia galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ngangahulugang "pulo". Sakot nito ang teritoryo sa Hawaii sa hilagang-silangan.
  • Micronesia
    •  Bahagi pa rin ng Pasipiko ang Micronesia ito ang pinakamalapit sa Pilipinas. Galing ito sa salitang griyego na mikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Matatagpuan ang Micronesia sa silangan. 
  • Melanesia
    •  Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Galing din sa salitang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Tinitirahan ng mga taong maitim ang balat

KABIHASNAN SA AFRICA

-Sumibol ang kultura at kabihasnan sa Africa. Ang mga taong Nok ang isa sa mga sinaunang kultura na naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200CE. Ang Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa baging iyon ng Africa. Lumikha din sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahot at mga bato.
  • Ang mga Kushite
    • Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinagharian sila ng mga Ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo BCE, unti-unting na
      kamit ng mga Kushite ang kanilang kalayaan.
  • Ang mga Aksumite
    • Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solom ng Israel. Matatagpuan ang kaharian ng Aksumite sa hilagang-silangan bahagi ng Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan napanatili nika ang kapangyarihan. Ang baybayan ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal. Ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng Yemen upang sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum. Sunod, ay sinakop nila ang Kush at makalipas ng 20 taon ay sinunog nila ang lungsod ng Meroe.

      Ang mga Imperyong Pangkalakalan

  • Ang Ghana
    • Soninke ang tawag sa mga mamamayan ng Ghana.
    • Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ang pagsasaka at pagpapanday. Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sangandaan ng kalakalan sa Africa.
  • Ang Mali
    • Lumitaw ang Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata, naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop.
  • Ang Songhai
    • Pagsapit ng ika-14 na siglo, isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali. Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan.

      Ang ibang mga Estado sa Africa

  • Ang mga Hausa
    • Ang mga Hausa ay dating sakop ng mga Songhai. Nakamit lamang nila ang kanilang kasarinlan nang humina ang imperyo ng Songhai. Matatagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng Kano, Katsina, at Zazzau.
  • Ang Benin
    • Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng  Ilog Niger. Noong ika-15 siglo, lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare. Umabot ito sa  kabuuan ng Ilog Niger delta hanggang sa Lagos, Nigeria.

ANG MGA KABIHASNAN SA AMERIKA

  • Ang mga Olmec
    • Tinatawag na Olmec o Taong Goma o Rubber People ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng golopo ng Mexico noon 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang "Base Culture" ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nalikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.

  • Ang mga Teotihuacano
    • Matatagpuan sa lambakng Mexico
    • Tinawag ding Lupain ng mga Diyos
    • Kilala bilang unang lungsod ng America ang Teotihuacano. Naging sentro din ito ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero. Payapa ang pamumuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro sa relihiyon, pagsasaka, at kalakalan. Pinapalamutian ng mga guhit ng ibon, jaguar at nagsasayawang mga diyos ang kanilang mga tahanan. Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o ang tinaguriang Feathered Serpent.  Si Quetzalcoatl ang nagbigay sa tao ng kaalaman sa pagsasaka, pagsusulat, paglikha ng kalendaryo at iba pa. Ang pangunahin sa kanyang kautusan ay ang patungkol sa kapayapaan, kababaang loob at pagmamalasakit sa kapwa.  
  • Ang mga Mayan
    • Sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan sa pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos. Mula rito lumaki na ang pamayanan at naging lungsod na kinabibilangan ng Tikal,Copan, Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa Mexico at Gitnang America. Ang Mayan ay nahahati sa apat na antas ng lipunan. Ang pinakataas ay ang mga maharlika na namamahala sa mga mamamayan ng lungsod.  Halach Uinic ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo. Kaagapay Halach Uinic ang ilang mga maharlika sa paglikom ng buwis at pagsasaayos ng pambublikong gusali at kalsada. 
  • Ang mga Aztec
    • Sa hilagang Mexico ng mula ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica. Nagsilbi din silang sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa lambak ng Mexico. Nang matatag ang Aztec sa kabisera sa Tenichtitlan, unti-unting nasakop ang mga kalapit na kaharian. Itinuturing extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec . Dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno.
       

  • Ang mga Inca
    • Sa south america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong ito ay ang Inca. Sa maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula ang mga Inca. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo. Naging matagumpay ang Inca sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo dahil sa natatangi nilang paraan at pakikidigma

Saturday, July 26, 2014

KABIHASNAN SA CHINA

  • Heograpiya
    • Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang karagatang Pasipiko. Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang mga kagubatan ng Timog-silangang Asya.


      Ang Unang Dinastiya

  • Dinastiyang Hsia
    • Ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko .
    • Sa pamumuno niya, nagsagawa ang mga tao ng mga proyektong pang-irigasyonna hahadlang sa mapinsalang pagbabaha ng ilog.
  • Dinastiyang Shang
    •  
    • Ang dinastiyang Shang ang pumalit sa dinastiyang Hsia noong 1500 BCE. May tatlong pangunahing katangian ang paghahari ni Shang una ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman  sa paggamit ng bronse at ang pag-aantas sa lipunan. 
  • Dinastiyang Zhou
    • Napatalsik ni Zhou ang dinastiyang Shang. Ginamit nila ang konsepto ng "Tian Ming" o ang mandato ng langit upang mapatibay ang kanilang pamamahala at ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.  Ang siklo ng pagtatag, pagbagsak at pagpapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang siklong dinastiko. Nagsimula ang siklong dinastiko sa kaguluhan tulad ng kalamidad, rebelyon, o pagsalakay sa ilalim ng pamumuno ng matandang dinastiya.
  • Dinastiyang Qin
    • Ang dinastiyang Qin ang pumalit sa dinastiyang Zhou. Tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador. Layunin nila na maging matapang ang bagong dinastiya kaya inutos ni Shi Huangdi na  ang lahat na maharlikang pamilya sa bawat estado sa buong China na manirahan sa kabisera ng imperyong Xianyang. At ang estado ay hinati sa 36 na distrito na pinamumunuan ng mga tapat na opisyal ng Qin.

      Iba pang Kabihasnan sa Asya

      -Ang ibang sinaunang kabihasnan ay umabot hanggang sa kanlurang Asya. Umabot ang mga ito sa rurok ng kapangyarihan bilang mga sentro ng pamamahala at kalakalan ang mga kabihasnan ng Hitito, Phoeneciano, at Persyano.

  • Ang mga Hitito
    •  
    •  Nagmula sila sa mga damuhan ng Gitnang Asya.
    • Nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass. Sa loob ng 450 na taon, naging makapangyarihan ang mga Hititp sa Kanlurang Asya.
    • May dalawang susi sa tagumpay sa digmaan ang mga Hitito. Ang una ay ang paggamit nila ng mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kaalaman sa pagpapanday ng bakal para gawing pana, palaso,palakol at espada. 

  • Ang mga Phoeniciano
    •  
    • Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nananahan sa maunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang manggagawa ng barko, manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos. Bagama't hindi naging imperyo ang unang lungsod ng mga Phoeniciano, nagpadala naman sila ng tao upang magtatag ng kolonya sa Italy, Africa, at Spain.
  • Ang mga Persyano
    •          
    • Sa malawak na talampas sa Iran, nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo- Aryano.
    • Ang salitang persyano ang galing sa salitang Persis, bansag na mga Griyego sa lugar na iyon.
    • Sumailalim sa makapangyarihang imperyo ang Assyria ng Persia hanggang sa taong 621 BCE. Sa ilalim ni Cyrus the Great, lumawakang imperyo ng Persia. 

       

KABIHASNAN SA INDIA

  • Heograpiya
    • Sa hilagang bahagi ng sub-kontinenteng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak ilod ng Indus. Sa hilaga ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush Karakoram at Himalaya. Noong 2500 BCE ay naglatag ang mga taga Indus ng mga lungsod na gawa sa laryo. Umabot sa 100 na lungsod ang matatagouan sa pampang ng ilog.  Ang pangunahin nilang produkto ay trigo, barley, palay at bulak. Ang katangi-tangi sa kabihasnan sa kabihasnan ng mga taga Indus ay ang pagsasaayos ng kanilang lungsod. Grid System ang tawag sa planong nakalatag sa kaning gusali kung saan mahahati ang mga kalsada.
  • Pananampalataya ng mga Aryano
    • Pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Magkaiba ang painaniniwalaang diyos ng mga Aryano at ng kanilang mga nasasakupang Drabidyano. Ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Upanishads ang tawag sa kanilang nabuo na aklat.  Upanishads ay kalipunanng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.  Patungkol ang mga diyalogong ito sa mga paraan kung paano makamit ng tao sa mga paraan kung paano makamit ng tao ang paglaya niya mula sa pagdurusa.

  • Imperyong Maurya
    •  

    • Noong 321 BCE, kinilala bilang hari ng magadha si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Pinalaki niya nag sakop na kaharian at itinatag ang imperyong Maurya. Nasakop na ng mga imperyo ang buong hilagang india. Bumuo si Chandragupta ng isang sentrilisadong kawanihan na magpapatakbo sa pamahalaan. Ang imperyo ay hinati sa apat na lalawigan na pinamunuan ng isang prinsipe. At ang bawat lalawigan ay hinati sa iba't ibang distrito na pinamumunuan ng mga opisyales na ang tungkulin ay maningil ng buwis.
  • Imperyong Gupta
    • 500 taon makalipas ang kaguluhan at digmaan, namuno si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 CE. Mula kay Gupta nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan. Dahil niya nakaranas ang india ng isang ginintuang panahon sa matematika, agham, at panitikan.Sa matematika, ipinakikilala ng mga paham ang konsepto ng pagbibilang mula una hanggang ikasiyam na bilang. Ang kaalaman sa pagbibilang ay hiniram ng mga Arabe sa taga Europe kung saan ito ay nakilala na Hindu-Arabic numerals.

KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA

    • Matatagpuan sa sa Timog-kanluran
    • Mahina ang kanilang pag-unlad
    • Pinapalibutan ng dalawang ilog. Ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates
       

      Ang mga Unang Imperyo

    • Akkadian
    .
      • Pinamumunuan ni Sargon the Great
      • Humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kanilang mga teritoryo.
      • Nagtagal ng mahigit 200 taon.

    • Babylonian
      • Pinamumunuan ni Hammurabi
      • 1792-1750 BCE
      • Amorites ang nagtatag ng kabisera sa babylon
      •  nakamit nila ang rurok ng kapangyarihan
    • Assyrian
      • Sinakop nila ang Mesopotamia, Egypt, at Anatolia noong 850 hanggan 650 BCE
      • Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo
      • Hindi nagtagal ang kanilang imperyo dahil nag-alsa ang kanilang mga nasasakupang mamamayan.
    • Chaldean
      •  Itinatag nila ang kanilang kabisera noong natalo nila ang mga assyrian
      • Naging tanyag na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar
        •  Ito ay dahil pinagawa niya ang Hanging Gardens na inalay niya sa kanyang asawa


    Friday, July 25, 2014

    KABIHASNAN SA EHIPTO

    •  Systema ng Petsa (Dating System)
      • Ginagamit nila ang "Bituin ng Sirius" bilang kalendaryo. 
      •   
         
    • Lokasyon
      • Napalibutan ng mga disyerto
      • Nasa Silangan nito ang Disyerto ng Sinai 
      
      • Nasa Timog nito ang Disyerto ng Nubia
     
      •  Nasa Kanluran nito ang Disyerto ng Sahara
     
    • Menes
      • Namuno noong 3100 BC
      • Itinatag niya ang Kabisera ng Memphis
      • Itinaguyod niya ang unang dinastiya sa Ehipto
      • Sa kanyang kapanahunan ay nagkaroon ng 31 dinastiya, kaya hinati ito sa (3) tatlong bahagi. Ang Lumang kaharian, Gitnang Kaharian, at Bagong kaharian

    Lumang Kaharian 

    •  Paraon (Pharaoh)
      • Pinuno ng kaharian
      • Itinuring na diyos ng mga tao 

    Panahon ng Piramide

    • Piramide 
      • Libangan ng mga paraon
      • Ang unang piramide ay ang kay Paraon Djoser na bai-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.


      Gitnang Kaharian

      -Tinatawag din na "Panahon ng Maharlika"

    • Haring Mentuhotep 
      • Pinalakas niya ang sentrilisadong pamahalaan, kalakalan.
      • Pagpapatayo sa pamayanang Hykos. 

    Bagong Kaharian

    • Ahmose 1
     
      • Nagpatalsik sa mga Hykos
      • Isang Bagong Kaharian sa ilalim ng Thebes
      • Sinakop niya ang Nubia at Canaan
    • Reyna Hatsepshut 
    •  
      • Unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 taon.
    • Thutmose III 
      •  Humalili kay Reyna Hatsepshut
      • Sinakop ang Egypt hangagang ilog Euphrates sa silangan at hanggan sa timong ng Nubia
    • Tutankhamun
      •  Pinakabatang paraon
      • May limang bahagi ang kanyang lalagyan sa kabaong
      • Isang misteryo ang kanyang kamtayan
      • Hawak niya sa kaliwa ay tinatawak na "crook" at sa kanan naman ay "flail"
      • Ang kanyang kabaong ay pinapagitan ng dalawang diyos na si Isis at Nephtys sa pamamagitan ng kanilang pakpak.


     Relihyon

    • Dioces Egipicos
    •  
      • Mahigit 2000 ang mga diyos ng mga Ehipsiyo
    • Ra
      • Ang diyos ng araw

    •  Horus
      • Diyos ng liwanag
     
    • Isis
      • Diyos ng mga ina at asawa
     
    •   Kamatayan
      • Naniniwala sila na kapag sila na matapos ang kamatayan ay hihuhusga kung saan sila pupunta. 
      • Sa "Mangangain ng Kaluluwa" o sa "Paraiso


        Sistema ng pagsusulat

    • Hieroglyphics
      • Sistema ng kanilang pagsusulat
         
    • Papyrus Reeds
      •  Ginagamit bilang papel noong unang panahon


        Agham at Teknolohiya

    • Heometriya
    •  
      •  lumikha sila ng sistema ng nakasulat na numero para sa pabibilang ng buwis, produkto, at iba pa.